Huwebes, Hulyo 31, 2014



                           ANG PAGKAPILIPINO

Kung ikaw ay  gagawa ng isang blog tungkol sa ating pagka-pilipino paao ka magbibigay ng komentaryo sa ating kultura,paniniwala,at pagpapahalaga sa pagiging mamayan ng bansang Asya? Sa pamamagitan ng paglalahad o pagbibigay impormasyon tungkol sa mga pilipino para magbigay ng opportunidad sa mga pilipino na maipahayag ang tunay nating kaugalian at mabago ang pagtingin sa atin ng mga dayuhan. Dahil din dito magagawa nating baguhin ang pananaw ng mga kanluranin sa ating kultura at kasasaysayan na hindi pa nila nalaman.

Mga Tradisyon o Kaugalian ng mga Pilipino


Ano nga ba ang “tradisyon o kaugalian”?

Ito ang mga paniniwala o opinyon na naisalin mula sa mga magulang papunta sa mga anak nila.

Ang mga Pilipino ay sadyang mahilig sumunod sa mga nakagawian na at samga tradisyon. Sila din ay mahilig maniwala sa mga pamahiin. 

Kami ay magbibigay ng mga Halimbawa.

Mga Karaniwang Tradisyon ng mga Pilipinas

  Piyesta-ay isa sa mga malaking pagdiriwang  na ginugunita bawat taon   sa iba’t ibang dako ng Pilipinas. Tampok dito, saan mang lugar sa kapuluan, ang mga makukulay na damit at parada  , mga katutubong  seremonya, sayawan, paligsahan, at masasaganang handaan. Ang panahon ng kapistahan ay isa rin sa mga pinaka-inaabangang pagdiriwang na patuloy na dinarayo ng mga turista taun-taon.
     


Mahal na araw/ Senakulo-ay ang panahon ng paggunita at pagbabalik-loob ng mga Kristiyanong Filipino sa pinaniniwalaan nilang diyos na tagapagligtas na kinakatawan ni Hesukristo. 
   
Mamanhikan-ito ay nanyayari kapag ang dalawang tao na  nag-iibigan ay nagplanong magpakasal.
 
Harana-ay ang tradisyonal na pagkanta ng isang lalaki sa may ibaba ng bintana ng bahay ng         babaeng kaniyang nililigawan bilang pagsuyo at pagpapahiwatig ng kaniyang lubos na                  pagmamahal sa babaeng kaniyang hinaharanahan. Ito ay kadalasang nagaganap tuwing gabi. Ang romatikong tradisyon na ito ay bahagi ng panliligaw na namana ng mga Pilipino
 sa mga Kastila.
Simbang gabi-ay isa sa mga pinakamatagal at pina-popular na kaugalian ng mga filipino  tuwing Kapaskuhan. Ito ay kilala din sa tawag na Misa de Gallo na ang ibig sabihin ay "Mass of the Rooster" o Misa ng Tandang. Ang tradisyon na ito ay mahalaga sa bawat Pilipino sapagkat ito ay simbolo ng pagdating ni Hesucristo. Ang Simbang Gabi ay serye ng siyam na araw na nobena para kay Birheng Maria na nag-uumpisa tuwing Disyembre 16 at nagtatapos sa Disyembre 24.
Flores de mayo-ay ang pista ng bulaklak na ipinagdiriwang ng mga Filipino sa buong buwan ng Mayo bilang pagbibigay parangal kay Birheng Maria. Bawat isang araw sa buong buwan ng Mayo ay naghahandog ng bulaklak kay Maria para sa kaniyang taglay na huwarang kalinisan at kabutihan.





Madalas na Kaugalian

Pagmamano – ito’y madalas ginagawa ng mga nakababata sa kanilang mga magulang o sa mga nakatatanda sa kanila.
Paggamit ng “po at opo” sa nakatatanda – ito’y simbolo ng pagrespeto sa mga nakatatanda.
Mahilig makipagkapwa-tao -kapag madalas silang may nakakasalamuhang tao.
Mapagkumbaba – nananatili pa rin ang kanilang mga paa na nakaapak sa lupa.

Madalas na Paniniwala

Sa Kusina:

Bawal kumanta sa harap ng kalan - may masamang mangyayari 
Bawal kumanta sa hapag-kainan – simbolo ng hindi pagrespeto.
Bawal paglaruan ang apoy – maaaring lumabo ang mata
Hindi dapat makabasag ng pinggan sa araw ng okasyon – ito ay simbolo ng kamalasan.

Sa Kasal:

Bawal isukat ang damit pangkasal – Maaaring hindi matuloy ang kasal
Bawal magkita ang magkapareha bago ang araw ng kasal – maaaring mamatay ang isa sa kanila.
Dapat unahan ng babae ang lalake na lumabas ng simbahan – upang hindi siya maliitin.
Kapag umulan sa araw ng kasal – simbolo ng kaswertehan.



Kapag may sumakabilang-buhay

Bawal matulog sa tabi ng kabaong – maaaring hindi mo mapipigilan ang paggalaw ng ulo mo.
Bawal magkamot ng ulo – maaaring magkaroon ng kuto.
Pagsuutin ng pulang damit ang mga bata/ Pagtawid ng mga bata sa kabaong
 – upang hindi sila guluhin ng namayapa.
Dapat putulin ang kwintas na nakakabit sa namayapa – upang hindi na siya masundan.
Bawal magwalis sa araw ng burol – bilang respeto
Bawal matuluan ng luha ang kabaong – upang hindi siya mahirapan sa pag-akyat sa langit.

Iba pang pamahiin:

Bawal maggupit ng kuko sa gabi – upang hindi malasin .
“Friday the 13th” – mag-ingat sa araw na iyon sapagkat may maaaring mangyari sa iyong masama.
Paggsing ng alas tres ng madaling araw – maaaring may dumalaw sa inyo. Paggising ng mga ispiritu.
Kapag may nakita kang taong pugot ang ulo – maaari siyang mamatay (pwede itong mapigilan basta ibaon lang ang kanyang damit sa lupa).

Ang kultura sa pilipino ay mahilig sa pasasaya o pagdiriwang para maunawaan at matutunang mahalin ang hilig pilipino sa kasiyahan at pagdiriwang.



  • ang pagmamano ay nagpapakita ng respeto sa kapwa



KAUGALIAN AT KULTURA SA PAGKONSUMO

  • Ito ang nalinang ng mga pilipino sa dayuhang mananakop. Kadalasan,ang mga pilipino ay nasisiyahan at nagmamalaki kapag ang biniling produkto ay gawa sa ibang bansa o imported. Masasabi rin na ang pagtangkilik sa mga imported na produkto ay bunga ng panggagaya natin sa mga dayuhang personalidad na iniidolo. May mga produktong imported na mas mura kumpara sa mga lokal na produkto at sagana ang supply sa pamilihan dahil sa patakarang import liberalization o malayang pagpasok ng dayuhang produkto sa lokal na pamilihan
                                           CEBU




ILOILO                               



                                                                                                BOHOL





LAGUNA                  

  • Isang kaugalian nating mga Pilipino ay tumanaw ng utang na loob kahit ang ating pagkonsumo ay naiimpluwensyahan nito. Ang pagtanaw ng utang na loob ang dahilan ng pagbili ng mga produkto at serbisyo.
ang pakikisama sa kaibigan o kamag-anak ay isang dahilan kung bakit bumibili ng produkto at serbisyo. Ang pagkakaroon ng suki ay isang dahilan kung bakit madalas na tinatangkilik natin nag kanyang mga produkto.



    maraming pilipino na nais sulitin ang perang ginagastos sa pagkonsumo,kaya mas maraming namimili kapag may mga sale sa isang tindahan.katwiran nila, mas maraming mabibiling produkto ang kanilang pera.

                                   Sa video na ito ay ipinapakilala ang mga kultura ng Pilipino. at ikinanta ito ng isang magaling na filipina singer na si Lea Salonga.

1 komento:

  1. casino, poker room, blackjack, bingo
    casino, poker room, blackjack, bingo room, wooricasinos.info blackjack, bingo room, poker room, septcasino poker room, 토토 poker room, poker https://vannienailor4166blog.blogspot.com/ room, poker room, poker room, ventureberg.com/

    TumugonBurahin